CHURCH SERVICES
Sunday
Sunday School: 9:30 AM
Morning Service: 10:30 AM
Evening Service: 6:00 PM
Wednesday
Prayer Meeting: 7:30 PM
Where are you going to spend eternity?
Funding the work of missions
Click to help CBC Building Fund

The Fundamental Baptist Association of Investors Transforming Human Resources for God's Glory Multipurpose Cooperative (FMC) is a primary Fundamental Baptist cooperative organized and registered pursuant to the provisions of Republic Act No. 6938, known as the Cooperative Code of the Philippines. FMC began its operations in September 2007 following its registration with the Cooperative Development Authority (CDA) as a multipurpose cooperative.

FMC's primary objective is to be a Fundamental Baptist developmental cooperative principally engaged in savings, credit, and integrated services that respond to the demands and evolving needs of members. Our focus is to mold the members to be good stewards of God-given resources and to provide sound balance between business risk management, opportunities creation, excellence, and profitability.

 
Mensahe mula sa nagtatag ng FMC

Ilang taon na rin ang nakalilipas nang mangusap sa akin ang 1 Juan 3:17 at 18. Bilang isang pastor maraming beses na akong hiningan ng iba't-ibang klaseng tulong ng iba't-ibang klaseng tao. At sa maraming pagkakataon alam kong napakaliit ng aking naitulong. May mga pagkakataon ding wala akong magawa sapagkat ito'y higit sa aking kakayahan. Bilang isang pastor batid ko ring dapat kong tulungang tugunan ang mga pisikal o pinansiyal na pangangailangan ng mga taong inaabot ko ng Salita ng Diyos. Dahil dito, kumbinsido akong kailangang magkaroon ng isang sistema sa ilalim ng iglesia lokal na makakatugon sa ganitong mga bagay. Isang organisasyon ang kailangang mabuo upang matulungan ang mga kasapi ng iglesia sa kanilang pangangailangang pang-ekonomiya.

Matapos kong maipahayag ang ganitong kabigatan sa pamamagitan ng pangangaral ng Salita ng Diyos, ibinahagi ko ang konsepto ng pagtatag ng isang kooperatiba sa ilang mga pinuno ng Cornerstone. Nakita nila ang kahalagahan ng ganitong sistema. Pagkatapos ng matagal na panalangin at mahabang panahon na pagpapagal, naitatag ang FAITH Multipurpose Cooperative (FMC), sa tulong at biyaya ng Panginoon. Ito ay itinatag upang matulungan ang bawat kasapi na maiangat ang antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng maka-Diyos at biblikal na pamamaraan. Naglalayon itong ipasa ang mga biblikal na prinsipyo patungkol sa paggawa, pag-iimpok, at kahinahunan, upang mapagtibay ang mga katutubong prinisipyong isinusulong ng ating lokal na iglesia.

Nawa'y ang gawaing ito'y mag-udyok sa bawa't iglesia na isulong ang katutubong gawain. Gamitin nating ang espirituwal na kaloob ng habag (Roma 12:8) para sa mga kapatiran at tularan natin ang ginawa noong unang siglo ng mga unang mananampalataya sa iglesia sa Jerusalem (Mga Gawa 2:41-47).

Rev. Jed B. Raquintan